By: Edwin V. Zabarte
Pinulong ni Batangas Governor Vilma Santos- Recto ang mga pinuno ng mga ahensya na kasapi ng Task Force Lake Taal noong ika- 29 ng Oktubre 2008. Ang pulong ay may kaugnayan s sa mga hakabang na na isakatuparan na ng TF Taal Lake at iba pang Programang pankapaligiran ng kanyang administrsayon.
Ang pulong ay dinaluhan ng mga ahensya ng Pamahalaang Panlalawigan na kaspi ng Task Force, National Agencies Tulad ng , DENR-PENRO, CENRO Phil. Coast Guard, Phil Coconut Authority at Tanggol Kalikasan.(mam,’ cnt remember other agencies kindly indicate thanks)
Ang mga ahensyang ito ay isa isang nagbigay ng accomplishement sa harap ni Gov. Vi at isinumite rin dito ang kanilang mga livelihood and other action plans para sa kaayusan ng paligid ng Taal Lake.
Naging sentro ng usapin ditto ang hakbang na isasagawa ng TF sa pagsasaayos ng Lake Areas kung saan inaasahan magiging mahirap ang operasyon dhilan ng malaking bilang ng mga fishcages sa paligid nito.
Sa harap ni Governor Vi ay binalangkas ng grupo ang mga alternative programs na ipatutupad ng pamahalaan sa mga taong apektado ng pag sasaayos at paglilinis ng Lake Taal.
Isa sa mga proyektong pin tuunan ng lupon ay ang mga proyektong turismo at pangkabuhayan na isinusulong ng mga local chief executives ng mga bayan sa paligid nito na direktang pakikinabangan ng kanilang mga nasasakupan.
Sa operasyon ng paglilinis ng Lake Taal, binigyang diin pa rin ng Gobernadora ang katatayuan ng mga mamamyan sa paligid nito..” Nanatili pa rin ang aking kagustuhan na mailigtas ay maisaayos ang simbolo ng lalawigan, subalit hindi dapat maging bigla at drastic ang aksyon na isasagawa natin, we must formulate a plan for a win win situation, kailangan natin bigyan ng matibay na kabuhayan ang mga nakapaligid ditto, upang hindi na sila bumalik sa nakagisnan uri ng pangingisda”.
Hiniling din nito ang pakiisa ng National Agencies na magkaroon ng plano ukol sa pinansyal na aspeto ng opersyon at alternative Livelihood Programs. “ we must do are share to make our vision for Taal Lake and make it sustainable” pagtatapos ni Governor Santos-Recto.
Thursday, October 30, 2008
Wednesday, October 15, 2008
Bigyan Pagkakataon Ang Kalikasan
Posted by balitangpabloy
By: NANI CORTEZ
Kahit matindi ang lakas ng ulan ay hindi natinag ang mula anim hanggang pitong libong katao na binubuo ng mga propesyunal, manggagawa at karamihang mag-aaral sa idinaos na Yakap sa Law noong Biyernes. Ito ay nangangahulugan lamang na marami ang naniniwalang ang lahat ay dapat kumilos alang-alang sa kalikasan.
May mga nagsasabing aabot sana sa sampung libo ang pariticipant kung hindi bumuhos ang ulan mula madaling araw hanggang sa buong maghapon. Ang ibang mag-aaral partikular ang mga nasa elementarya ay hindi na pinaalis ng mga guro sa paaralan sa payo na rin ng kani-kanilang mga magulang.
Natuloy ang simbolikong kapit-bisig sa Amante Stadium ng Central School sa kabila ng langitngit ng ulan. Kay aya sanang pagmasdan kung sa gilid mismo ng Sampalok Lake ito naganap kung ipinahintulot lamang ng panahon, magkaganoon man ay nakamit din ng Yakap sa Lawa ang banal nitong layunin.
Napag-isa nito ang maraming sektor ng lipunan tungo sa iisang paniniwala na kinakailangan nang tumayo at manindigan ang lahat para sa kapaligiran at para sa kalikasan. Sumasaludo ang pitak na ito sa mga nagtaguyod ng proyektong ito, sa mga NGO, samahang sibiko at Pamahalaang Lunsod ng San Pablo. Si Arvin Carandang ang nakipagtalastasan sa lahat upang itoy ganap na maging tagumpay.
Sa darating na Oktubre 22-24 ay magdaraos naman ng seminar-workshop ang Tanggol Kalikasan para sa mga media practitioners ng Camarines Sur, Batangas at Laguna sa Nawawalang Paraiso sa Lunsod ng Tayabas. Ito ay sa ilalim ng kanilang Wetlands Conservation Program at itataguyod ng Ecosystem Grant Program ng bansang The Netherlands.
Iisa ang ibig sabihin ng mga ito, na samakatuwid ay iisa rin ang mensahe. Lubhang malala na ang suliranin natin sa aspeto ng kapaligiran kung kaya’t nararapat nang mabatid ng lahat upang hindi man direktang makatulong ay hindi na makadagdag pa sa bumibigat na problemang pang-kalikasan.
Kay tagal nang inaabuso ng tao ang kapaligiran at kinakailangan nang malaman kung ano ang dapat at hindi nararapat gawin upang ang mga ito’y mahinto na.
May kaselanan na ang sitwasyon na dapat nang bigyan ng pansin. Kailangan na ang pagbabago ng pananaw ng bawat isa bago mahuli ang lahat. Bigyan natin ng pagkakataon ang kalikasan.

Subscribe to:
Posts (Atom)